PHILCYCLING WOMEN’S ROAD TEAM SASABAK SA VIETNAM RACE

CYCLING 

DUMATING ang 10-member women’s team ng PhilCycling sa Ho Chi Minh City Lunes ng umaga para sa 13th Biwase Cup — isang10-stage women’s road race na hinohost ng Vietnam taon-taon bilang pagdiriwang sa International Women’s Day.

Ang koponan ay kinabibilangan ng limang miyembro ng national women’s team at dalawang iba pang riders na pumalit sa national athletes na hindi makakasali sa karera dahil sa school duties.

“The goal is for our women’s team to get at least one foreign exposure ahead of the Southeast Asian Games,” wika ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na siya ring head ng PhilCycling.

Ang koponan ay binubuo nina national athletes Mathilda Krog, Kate Yasmin Velasco, Avegail Rombaon, Marianne Dacumos and Mhay Ann Lina at additions Jelsie Sabado and Maura de los Reyes.

Sina Marita Lucas, Alfie Catalan at Joey de los Reyes ang gagabay sa koponan na suportado ng POC, Philippine Sports Commission, Tagaytay City, MVP Sports Foundation, Standard Insurance, Excellent Noodles at 7-Eleven.

Sisimulan ang karera sa Miyerkoles — sa araw ng global celebration ng International Women’s Day— sa pamamagitan ng 66-km criterium sa paligid ng Binh Duong New City.

Ang karera na inorganisa ng Vietnam Cycling Federation ay papadyakin sa 1,101 kms at magtatapos sa March 17.

Matapos ang pre-Cambodia 32ND SEA Games prep race sa Vietnam, ang buong national team ay tutungo sa training camp kapwa para sa road at mountain bike disciplines.

Ang karera ay ila-livestream sa https://www.facebook.com/vcfchannel/posts/pfbid0JWL3EfCcczQdEMuN7aZTHTpnDKxn8QG2dB7Y8Ur9VwC7NLw8yYkS8zKTxEWA54bcl.