PHILHEALTH BINABAYARAN ANG DENGUE CONFINEMENTS

PHILHEALTH

GINAGARANTIYAHAN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mayroon itong benepisyong naka-laan para sa dengue. Ito ay matapos ang deklarasyon ng Department of Health ng dengue outbreak sa lalawigan ng Iloi-lo.

“Binabayaran ng PhilHealth ang mga pas­yenteng na-confine dahil sa dengue. P10,000 para sa dengue with o without warning at P16,000 naman para sa severe dengue,” ani BGen. Ricardo C. Morales, President at CEO ng PhilHealth. Idinagdag pa niya na, “Ang mga benepisyong ito ay makukuha sa mga Level 1, 2, at 3 na ospital. Samantalang ang non-severe dengue ay maaaring gam-utin sa mga primary care facility at may benepisyong P7,000.”

Ayon sa PhilHealth, maaari ring makakuha ng benepisyo maging ang mga hindi pa miyembro kapag nangailangan ng aten­siyong medikal dahil sa dengue.

“Maaari silang magkaroon ng coverage sa pamamagitan ng Point of Service (POS). Kung saan ang walang kakayahang magbayad ng kontribus­yon ay babayaran ng gob­yerno ang kanilang isang taong premium,” dagdag ni Morales.

Ang impeksiyong nakukuha mula sa kagat ng lamok ay may sintomas tulad ng trangkaso. Ang mga naapektuhan nito ay mabilis na dumami sa mga dekadang nakalipas.

Mula Enero hanggang Hulyo 2019, ang PhilHealth ay nakapagbayad na ng 174,000 dengue claims na humigit sa P1.7 bilyon. 17,000 ng mga claim ay nagmula sa NCR na ikalawa lamang sa Region II na nagtala ng 19,000 claims. Samantala, ang mga Re-hiyon IV-A, VII, X, XI, at XII ay kabilang sa mga nangungunang rehiyon para sa mga dengue reimbursement sa kabuuang 64,000 claims na nagkakahalaga ng P642 milyon.

Para sa mga katanu­ngan tungkol sa benepisyo, programa, at serbisyo ng PhilHealth, maaring tumawag sa Action Center Hotline, (02) 441-7442. Maaari ring mag-e-mail sa [email protected] para sa klaripikasyon, komento, at suhestiyon. Para sa iba pang mga update, ang mga miyembro at stakeholder ay hinihikayat naming i-follow ang PhilHealth sa Twitter (@teamphilhealth) at sa Facebook (facebook.com/PhilHealth).

Comments are closed.