MAY SAPAT na pondo ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at kayang ituloy ang kanilang alok na mga benepiso sa lahat ng miyembro.
Ito ang kinumpirma ni PhilHealth CEO and President Emmanuel Ledesma Jr. bilang tugon sa panukala ni Marikina City 2nd District, Rep. Estella Quimbo na huwag nang singilin ng premium contribution ang mga manggagawang minimum wage earner.
Sinabi ni Ledesma, bukas sila sakaling mangyari ang panukala kahit aabot sa P19.6 bilyon ang mawawala sa kanilang pondo sakaling hindi na pagbabayarin ng contribution ang nasa 6 milyong manggagawa.
Hindi rin anila tutulan ang panukala dahil ang isa sa mandato nila ay tulungan ang mga maralita.
“Any move that will help poor people support kami we will comply kung itutuloy we will support it, anang Philhealth and CEO president.
Ani Ledesma, maganda ang kanilang cash position at hindi dapat ikabahala na maaapektuhan mga pakete ng benepisyaryo.
“Maganda naman cash position I think our head will still above water still manage study and will see,” ayon pa sa Philhealth chief.
Samantala, sa pagdiriwang ng ika-29 anibersaryo, ibinida ni Ledesma na kanila na ring ipatutupad ang dagdag sa Z package para sa mga cancer patient na mula sa P100,000, aabot sa P1.4 million ang makukuhang benepisyo ng pasyente. EC