PHILHEALTH FORWARD CY 2024: COVERAGE BENEFIT SA PROSTATE CANCER AT CERVICAL CANCER ITATAAS

KINUMPIRMA ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na asahan ang pagtaas ng benepisyo ng mga pasyenteng dinapuan ng prostate at cervical cancer.

Ang nasabing good news ay nakumpirma sa PhilHealth Forward Calendar Year 2024 event nitong Lunes, April 29.

Sa panayam kay PhilHealth Corporate Affairs Group Acting Vice President Rey T. Balena, sinabi nito na kasunod ng enhancement benefits sa Breast cancer noong March 30, 2024 ay itataas na rin ang coverage sa Z package ng prostate at cervical cancer

Paliwanag pa ni Balenia lahat ng case rate ng package ng PhilHealth ay mayroong karagdagang 30%, halimbawa aniya kung dati ay P19,000 lamang ang coverage benefits para sa caesarian ngayon ay P24,000 na ang kanilang coverage.

Bukod dito 200% na rin ang karagdagang  coverage para sa pasyenteng nagka-stroke maging ang mayroong pneumoniana kung dati ratio ay P32,000 lamang ang coverage ngayon ay P90,000 na.

Samantala, mayroon ring dagdag-benepisyo ang mga PhilHealth members na nagkasakit dahil sa matinding init ng panahon.

Ayon kay Balena, 30% ang itinaas sa benefits package ng PhilHealth  para sa heat stroke at heat exhaustion na nagsimula noong Pebrefo ngayong taon.

Kung dating nasa P6,500 lang ang benepisyo sa heat stroke ngayon ay nasa P8,450 na.

Sa datos ng Department of Health, pumalo na sa 34 ang kaso ng heat-related illness mula Enero hanggang Abril 8 at anim sa mga pasiyente ay nasawi subalit iniimbestigahan pa ng kagawaran kung bunsod ito ng heat conditions.

Mula naman sa P28,000 ay tumaas na sa P76,000 ang maximum benefit sa acute ischemic stroke samantalang P80,000 mula sa dating P38,000 ang acute hemorrhagic stroke at mula naman sa P32,000 ay itinaas sa P92,000 ang high-risk pneumonia.

Samantala, bahagi rin ng PhilHealth Forward announcement na tataas din ang case rates para sa anim na iba pang sakit ngayong taon.

EUNICE CELARIO