PHILHEALTH, NAKATUON SA PAKIKIPAGTULUNGAN SA MGA STAKEHOLDER PARA MAPABUTI ANG MGA SERBISYO – LEDESMA

MAKIKIPAGTULUNGAN ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga pambansang lider at mga stakeholders upang matupad ang mandato nito na makapamahagi ng health insurance coverage at tiyakin ang abot-kaya, katanggap-tanggap, magagamit at accessible health care services para sa mahigit 100 milyong Pilipino.

Ito ang binanggit ni PhilHealth Acting President at Chief Executive Officer Emmanuel R. Ledesma Jr. noong Lunes kasabay ng papalapit na ika-28 anibersaryo ng nasabing insurance corporation.

“Now, more than ever, we must do everything we can to ensure that every Filipino can be secure in the knowledge that PhilHealth is working for their benefit,” sabi ni Ledesma, na may MBA mula sa Northwestern University Kellog Graduate School of Management at isang Economics degree mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

“This means working closely with our nation’s leaders and our stakeholders to improve our services and systems so we are in a better position to help our countrymen,” dagdag pa ni Ledesma.

Ayon kay Ledesma, malugod niyang tinanggap ang panukala ng mga mambabatas na kamakailan lamang ay humimok sa PhilHealth na unahin ang kanilang anti-corruption efforts, information dissemination programs, at mga hakbangin para matulungan ang mga overseas Filipino workers.

“We recognize that we all want what’s best for PhilHealth and our people, so we are always open to the recommendations and suggestions of our legislators who are looking out for the interests and welfare of their constituents,” giit ni Ledesma.

“To this end we will tap experienced experts and sit down with knowledgeable PhilHealth officers and discuss ways to immediately address these concerns,” dagdag pa ng opisyal.

Tuwing Pebrero 14 ay ginugunita ng PhilHealth ang anibersaryo ng pagkakalikha nito noong 1995. Itinatag ang PhilHealth sa pagpasa ng Republic Act 7875, o kilala bilang National Health Insurance Act of 1995.

Nanawagan din si Ledesma sa mga opisyal at empleyado ng PhilHealth na makipagtulungan nang mapalapit sa mga pampublikong opisyal at stakeholder sa kanilang mga lugar.

“We should reach out to sectors that can help us better serve our members,” ani Ledesma.

“Our members should be at the center of everything we do. We have made great strides to make PhilHealth more responsive to their needs, and I am sure that we will be able to build on these improvements and become even better in the years to come,” dagdag pa nito.