PHILHEALTH OFFICIAL TUMANGGAP NG CSC PRESIDENTIAL LINGKOD BAYAN AWARD

CSC PRESIDENTIAL LINGKOD BAYAN AWARD

IGINAWAD kamakailan kay Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Senior Vice President and Chief Information Officer Jovita V. Aragona ang  Presidential Lingkod Bayan (PLB) Award ng Civil Service Commission (CSC) sa National Capital Region (NCR).

Ang award ay ipinagkaloob ni CSC-NCR Director Nel Sherwin Carnetes noong ­Setyembre 9, 2019 sa isang seremonya na idinaos sa PhilHealth head office sa Pasig City bilang pagkilala sa exceptional contribution at commitment sa public service delivery ni Aragona.

Si Aragona ang may akda ng PhilHealth Enterprise Architecture na naglalarawan sa digital vision at strategy ng Corporation upang isama ang mga sistema at matamo ang digital transformation.  Bago ang CSC award, itinanghal siyang 2018 DX (Digital Transformation) Leader and Visionary Information of the year ng International Data Corporation sa pagtamo ng mandato ng national health insurance sa pamamagitan ng epektibong data management strategy na may business intelligence at cloud technologies.  Tinanggap din niya ang 2018 President and CEO’s Award of Excellence sa ilalim ng Philhealth’s Enhanced Program on Awards and Incentives for Service Excellence o PRAISE.

Ang PLB awards ay bahagi ng annual nationwide Honor Awards Program ng CSC na kumikilala sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na nagpamalas ng outstanding work performance. Layon din nitong mahimok at ma-inspire ang mga empleyado na mapaghusay ang kanilang work performance at makintal sa isip ang mas malalim na partisipasyon sa pagkakaloob ng serbisyo publiko.

Comments are closed.