HANDA si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Interim/OIC President and CEO Dr. Celestina Ma. Jude dela Serna na harapin ang anumang kaso para lamang ipatupad ang pagbabago sa kanyang pinamumunuang state health insurer.
Nagawa ni Dela Serna ang pahayag sa press conference sa Pasig City kahapon hinggil sa paglilinaw sa umano’y sobra-sobrang travel expenses at net loss mula sa unaudited financial statement na P9 billion mula 2014 hanggang 2017.
Aniya, ang mga ginagawa niya bilang pinuno ng PhilHealth ay bahagi ng pagbabago na alinsunod sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ginagawa ko lang ang tama at batay sa President’s call, kung anuman ang kailangang kong harapin ay because we want change in PhilHealth, haharapin ko ang anumang kaso para magawa ko ang pagbabagong ito,” ayon kay Dela Serna.
Dagdag pa ni Dela Serna na may ginagawa na rin silang reform para matiyak ang integridad at pagiging matatag ng National Health Insurance.
Kaugnay naman sa mga nagatos niya sa travel and accommodation, iginiit nito na iyon ay legal at regular habang nilinaw din na ang P6-B net loss ay inaasahang malilinawan kapag natapos na pag-audit sa kanila habang nakiusap din ang PhilHealth sa mga ospital na bigyan sila listahan para sa kanilang mga bayarin.
Iginiit din nito na ang kanyang nagastos sa pagbibiyahe sa Maynila at Tagbilaran at accommodation ay authorized at pinatunayang kailangan para makaganap nang maayos alinsunod sa kanyang function sa PhilHealth. EUNICE C.
Comments are closed.