KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ang pagpanaw ni Philippine Ambassador to Lebanon Bernardita Catalla dahil sa mga kumplikasyon dulot ng Covid 19.
“With deep sadness, the Department of Foreign Affairs announces the untimely demise on 2 April 2020 of Ambassador Bernardita Catalla, Philippine Ambassador to Lebanon, from complications arising from Covid 19, ” ayon sa DFA
Si Ambassador Catalla ay career diplomat sa loob ng 27 taon at nagsilbi rin bilang Philippine diplomat sa Kuala Lumpur, Jakarta gayundin ay naging Passport Director ng DFA.
Ayon sa DFA, bago naging Ambassador si Catalla sa Lebanon ay naging Consul General din ito sa Hong Kong.
Siya rin ang nanguna sa mass repatriation program ng Philippine Embassy sa Beirut mula December 2019.
Si Ambassador Catala ay kilalang matulungin sa kanyang pamilya, kaibigan at kasamahan sa trabaho. MARIVIC FERNANDEZ