KINUMPIRMA ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kamakalawa ng gabi ang paglalabas ng memorandum ng Malacañang na nagtatalaga Major General Andres Centino bilang bagong commanding general ng Philippine Army.
Sa isang mensahe kinumpirma ng DND na si Gen Centino ang magiging kahalili ni Lieutenant General Jose Faustino.
Subalit hindi nagbigay ng paliwanag ang kagawaran kung bakit biglang pinalitan si Faustino.
Hindi rin nagbigay ng karagdagang detalye si Lorenzana hinggil sa pagkakatalaga kay Faustino sa bago nitong posisyon na may anim na buwan na lamang na nalalabi bago ito magretiro.
Sa inilabas na pahayag ni AFP chief Gen. Cirilito Sobjejana, “The relief of LTGEN Faustino is in accordance with the Law particularly RA 8186 section 4 wherein the CGPA should have at least one year remaining in the service on the day of his assumption.
Nabatid na napuna ni Senador Ping Lacson ang pagkakatalaga kay Faustino sa Chief of Army post ganun kulang na ng isang taon ang natitirang panunungkulan nito na umano’y isang paglabag sa batas.
Si Faustino ay pansamantalang itatalaga bilang special assistant to the Chief of Staff on Peace and Development, isang posisyon na wala sa opisyal na hirerkiya ng Sandatahang Lakas.
Isang bagong posisyon na wala sa table of organization ng AFP.
Si Faustino, ay dating pinuno ng Eastern Mindanao Command sa Davao region, at na promote bilang kahalili ni General Cirilito Sobejana matapos itong italagang bilang AFP chief of staff.
Si Gen Sobejana ay nakatakda nang magretiro sa katapusan ng buwan ng Hulyo kaya possible pa ring maging contender si Faustino sa Chief of Staff position hanggang sa pagretiro niya sa Nobyembre.
VERLIN RUIZ
129886 688755Just a smiling visitant here to share the adore (:, btw outstanding style . 715439
89806 15944Glad to be 1 of several visitants on this remarkable web site : D. 65071
460047 18041I appreciate you taking the time to speak about them with people. 694111