TARGET ng Philippine Army na palawakin pa ang kanilang reservist program sa buong bansa upang magkaroon ng sapat na puwersa na magagamit para ayudahan ang kanilang regular force sa panahon ng mga emergency at calamities.
Ayon kay Army Commanding General Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr., lubhang malaki ang pangangailangan ng Hukbong Katihan para mangalap ng mga reservists na may sapat na kakayahan upang higit na mapalakas ang kanilang regular force.
Nabatid kay Army spokesman Col Xerxes Trinidad na sa kasalukuyan ay mayroon silang 790,000 standby at ready reserves na nagsasagawa ng mga crucial role para sa matagumpay na implementasyon ng development support and security operations ng Armed Forces of the Philippines, lalo na sa mga isinasagawang humanitarian assistance and disaster response .
Ilang beses nang pinatunayan ng mga Army reservist ang kanilang kahalagahan sa pamamagitan ng sabayang pagkilos kasama ang mga regular troops at iba pang mga first responders. Gamit din sila sa paglulunsad ng mga relief and rescue operation na nakapagliligtas ng buhay kasunod ng naganap na kalamidad gaya ng Taal eruption nuong January 2020 at sa naganap na pananalasa ng Typhoon “Odette” nuong isang taon at Tropical Storm “Agaton” nitong nagdaang buwan ng Abril 2022.
Si Nathalie Hart ay isa lamang sa mga celebrities na piniling magsilbi sa bayan gaya nina 1Lt Matteo Guidicelli sa ilalim ng Philippine Army. Tinapos ni Hart ang war fighting skills development drills, isang key component ng 45-day Basic Citizen Military Training (BCMT) para sa mga aspiring reservists, sa Camp Riego de Dios, Tanza, Cavite, Reserve Command, Philippine Army (RCPA).
Kabilang si Ms. Hart sa BCMT “Sanlahi” Class 01-2022 na sumabak sa mga rope course, obstacle course, rappelling tower rapid deployment, 40-second breath-holding drill, 12-feet underwater rifle recovery, a rifle marksmanship. VERLIN RUIZ