INAASAHANG pangungunahan ng Philippine Army , Commission on Election at Philippine National Police ang pagbuo at paglagda ng mga peace covenant sa buong bansa para matiyak na magkakaroon ng mapayapa, malinis at tapat na national and local polls sa darating na Mayo 2022.
Ito ay kasunod ng naganap na covenant signing na pinangunahan ng mga lokal na pamahalaan na isinusulong Philippine Army sa Northern Samar.
Inaasahang magkakaroon pa ng mga kahalintulad na covenant signing gaya sa Samar ang Comelec sa iba pang mga lalawigan sa bansa para matiyak ang pagkakaroon ng malinis at mapayapang halalan.
Nabatid nagtungo ng Northern Samar ang mga opisyal ng Comelec para sa isang peace covenant signing para sa Halalan 2022 ng iba’t ibang stakeholder.
Kinatawan ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa pagharap sa mga opisyal ng Philippine Army kasama ang PNP at mga lokal na opisyal ng Catbalogan sa Samar.
Dumalo sa naturang event sina National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, PNP Chief General Dionardo Carlos, at Maj. Gen. Edgardo De Leon, Commander ng 8th Infantry Division ng Philippine Army. VERLIN RUIZ