ni MA. LUISA GARCIA
Binuksan ngayong araw ng Huwebes ng National Book Development Board Philippines (NBDB) ang apat na araw na Philippine Book Festival (PBF) sa World Trade Center sa Pasay City.
Muling pinagsama- sama sa ikalawang pagkakataon ang lahat ng publishers,authors, artists, educators sa itinuring na “pinakamalaking book festival” ng bansa, na isinagawa para sa mga stakeholder ng industriya at mas mahikayat ang mga Filipino na magbasa. Magtatapos ang book fair sa April 28.
Ayon kay Marc Dennis de la Cruz, MG Asia Public Relations Officer, umaabot sa 160 ang exhibitors na publishing companies at authors ang lumahok sa naturang event. Nasa 40 naman ang mga food booth na lumahok.
Ayon kay de la Cruz, ang PBF ay nagpapakita ng likas na yaman at kahusayan sa sining, kultura,at literatura ng bansa. Marami aniya sa mga aklat ng mga exhibitor ay naglalaman ng mga kaalaman sa edukasyon,sining at turismo.
Sinamahan din ng booth ng shopping ang kaganapan para sa mga dadalo.
Marami rin aniyang isasagawang pag -uusapan at workshops sa participants at exhibitors.
Sa ikalawang pagkakataon ay ibinalik sa naturang book festival ang apat na bahagi nito. Una rito ay ang tinaguriang ” Kid Lit ” kung saan nakasentro dito ang mga aklat na kagigiliwan ng mga bata.
Ang ikalawang bahagi naman nito ay ang “komiks” kung saan ang binigyang diin ay ang mga Pinoy komiks.
Ang ikatlong bahagi naman ay ang “Booktopia” ang section sa festival na nakasentro sa mga aklat na fiction at non-fiction at ang ikaapat na bahagi ay ang “Aral Aklat” kung saan ay dito.matatagpuan ang mga textbooks at educational materials na karaniwan ng gamit ng mga mag aaral sa kanilang paaralan.
May itinalaga sa Festival na “Creator’s Lab”,”Main Stage” at “Kids at Play” sections kung saan dito isasagawa ang highlight ng mga aktibidad ng apat na araw na mga pag uusap at workshops upang mas mabigyang pansin ang iba’t ibang interes ng readers at mga paborito nilang genres.
Sa mga susunod na araw ay aasahan din ang pagsasagawa ng puppet shows,storytelling kung saan kabilang sa magtatanghal ay mga surprise television at movie.celebrities,at live.performances.
“This year we have more authors and we bring together the best of Philippine content for the entire family.The country needs.more.reading spaces that encourage conversation,creation, and collaboration. Ang Philippine Book Festival ay nagsisilbing panghikayat sa iba pang organisasyon na lumahok at makiisa sa mga programang nagtutulak sa mga Filipino na magbasa.Dahil ang aklat ay para sa lahat,” ang sabi no NBDB Executive Director Charisse Aquino-Tugade.
Kabilang pa sa highlight ng naturang event ay ang exclusive book signing at meetand greet session ng historian at best selling author na sina Ambeth Ocampo,at national.artist for film at broadcast arts na si Ricky Lee at iba pang kilalang author.
Ayon kay Tugade, ang mga attendees ay makakaasa sa pagbabalik ng “rare book collections” ng National Library of the Philippines kung saan ipapakita ang selection ng rare manuscripts at facsimiles tulad ng Book Bar na puno ng award winning na mga aklat;vCosplay Filipiniana, isang cosplay competitition kung saan ang mga fans ng mga iba ibang genre ng mga natirang aklat ay maaaring gayahin ang kanilang mga paboritong Philippine literary characters; Guhit Pambata, kung saan sa exhibit na ito ay binibigyang diin ang mga nalikhang “best children’s book illustrators.
Dagdag pa ni Tugade.ngayong taon ang festival.ay maglulunsad din ng Tabuan Food Hall kung saan maaaring kumain habang nagbabasa.
Ang fair ay bukas sa publiko.mula 8 a.m. hanggang 8 p.m.Walang entrance fee kailangan lamang magrehistro sa mismong World Trade Center o sa online.