MATAGAL nang kinikilala ang pagkain ng Filipinas bilang isa sa hottest food trends sa North America, ayon sa forecast na nalathala sa Specialty Food Magazine ng SFA noong nagdaang taon na pinamagatang “Trend Watch: Summer Fancy Food Show Trends.”
“While more Filipino cuisine is being added to menus in foodservice, more packaged products are using authentic ingredients and flavors. Mansi exhibited calamansi juice, made from a small round citrus fruit that’s ubiquitous in the Philippines, and CJC Pit Barbecue is selling its lechon sauce, a traditional sauce made from pork liver, vinegar, breadcrumbs and spices,” ayon sa artikulo.
Hanggang noong Agosto 2018, ang Filipinas ay pangalawa sa nangungunang exports destination ng United States pangalawa sa China na sinundan ng Hong Kong, Japan at Singapore, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Noong 2017, umabot sa USD1.2 billion, ang total food and agricultural exports to the US ayon sa United States Trade Repre-sentative (USTR). Nangungunang kategorya ang tropical oils (USD555 million), processed fruit & vegetables (USD199 million), tree nuts (USD109 million), raw beet and cane sugar (USD105 million), and fruit and vegetable juices (USD79 million).
Ang partisipasyong ito sa ilalim ng Food Philippines ay pinangunahan ng DTI-CITEM sa pakikipag-koordinasyon sa Philip-pine Trade and Investment Center (PTIC) sa New York bilang bahagi ng magkaisang pagsisikap ng gobyerno para maitaguyod ang Filipinas bilang source ng dekalidad na produkto ng pagkain sa pandaigdigang merkado.
Ang DTI-CITEM ay may pangako na mag-develop, mag-alaga at itaguyod ang globally competitive small and medium enter-prises (SMEs), exporters, designers at manufacturers sa pamamagitan ng pagpapatupad ng integrated approach sa export marketing sa pakikipag-partner sa iba pang sangay ng gobyerno at mga pribadong sektor.
Para sa karagdagang impormasyon sa kanilang serbisyo at mga kaganapan, mag-log on sa www.citem.gov.ph.
Comments are closed.