PHILIPPINE NAVY MAGTATAG NG MARITIME CAFGU

Giovanni Carlo Bacordo

UPANG HIGIT na mapagsilbihan ang bayan at makatugon sa kanilang mandato ay nakatakdang magtatag ng Maritime CAFGU Active Auxiliaries (CAAs) ang Philippine Navy sa bahagi ng West Philippine Sea para mas higit na paigtingin ang kanilang  presensiya  sa tinaguriang disputed islands.

Ayon kay Phil Navy Flag officer in Command Giovanni Carlo Bacordo, plano nilang mag-recruit ng may 120 naval militia na ang target ay makabuo ng dalawang kumpanya bawat Naval Forces.

Nabatid na target ng Hukbong Dagat na  bubuo ng   dalawang companies bawat naval forces sa buong bansa.

Ani Bacordo, kahalintulad nito ang CAA ng Philippine Army na nagsisilbing territorial forces habang mga maritime militia naman ang puwersang kinakalap ng Phil Navy.

Iginiit nito, ang Ma­ritime CAA ay makaka­tulong ng Hukbong Dagat sa pagbabantay ng coastlines at territorial waters ng bansa.

Nilinaw pa nito, hindi na bago ang nasabing hakbang dahil noong 2014 ay bumuo na rin ng CAA para sa Naval For­ces Western Mindanao.

Idinagdag pa nito, sa sandaling maging matatag na ang Maritime CAA, magsisilbing itong solid at steady forces sa West Phil Sea dahil hindi permanente ang presensiya ng Navy at Phil Coast Guard vessels sa nasabing lugar para magpatrolya.

Sinabi pa ni  Bacordo na  malaking tulong sa intelligence, surveillance at reconnaissance mission  ng Phil Navy ang pagkakaroon ng maritime militias at maging sa kanilang humanitarian assistance at disaster relief operations. VERLIN RUIZ

Comments are closed.