PINAALALAHANAN ng Commission on Audit ang pamunuan ng Philippine Navy hinggil sa mga delayed project na posibleng makaapekto sa epektibong pagtupad ng hukbong sandatahan sa kanilang mandato at paglobo ng hindi nagagamit na pondo na nakaaapekto naman sa kanilang missions.
Sa inilabas na COA report, inihayag ng state auditor na; “The delayed or non-delivery goods and services “ is a breach of contract and can affect the operational tempo of the PN (Philippine Navy), which may hinder the accomplishment of its mission.”
Pinuna ng COA ang Philippine Navy hinggil sa nakabinbing completion ng tatlong proyekto nito na nagkakahalaga ng P154.64 million.
Sa 2018 report ng nasabing ahensiya, inihayag nito na ang mga proyektong dapat na babayaran sa pamamagitan ng letters of credit na hindi naisakatuparan ay magreresulta para maipon ang mga hindi nagamit na pondo at mawawalan din ang gobyerno ng pagkakataon na magamit ang mga benipisyong maaring makuha sa mga ito.
Kabilang sa mga proyektong nakatengga ang kontrata ang sa Talon Security Consulting, ang joint ventures ng Propmech Corporation at SAAB, at Krusik Ad Valjevo at Stone of David Tactical.
Sa record ng COA ang Talon ay nakapag-deliver ng kanilang produkto subalit anim lamang sa walong items ang nasuri na.
Sinuspinde naman ang kontrata sa Propmech at SAAB habang ang Krusik Ad Valjevo at Stone of David ay sumasailalim pa sa deliberasyon ng contract termination review committee ng Philippine Navy.
“Demand the deliveries of goods and services and/or ensure that contracts with suppliers who failed to comply with their obligations are terminated to prevent the accumulation of idle funds which can be used for other beneficial purposes,” ayon sa rekomendsyon ng COA
Pinuna rin ng COA ang pagiging in-effective ng procurement outsourcing ng Navu sa hanay ng Philippine International Trading Corporation (PITC).
“A total of P2,267,040,511.09 fund transfers had accumulated due to the non-implementation or delayed completion of procurement procedures with the PITC,” saad pa ng COA.
Sinabi pa ng COA na disadvantageous sa AFP ang hindi pagbibigay ng PITC ng timeline ng kanilang delivery o completion ng procurement procedures.
“The inability of the PITC to deliver the goods and services is contrary to the very purpose of procurement outsourcing which is to hasten project implementation and had resulted in accumulated huge idle funds,” anang COA. VERLIN RUIZ
Comments are closed.