DAHIL numinipis ang tsansa na may mahukay pang buhay sa ilalim ng mga guho sa nangyaring landslide sa Naga City sa lalawigan ng Cebu ay umayuda na rin ang Philippine Navy-Naval Forces Central at nag-deploy ng kanilang Disaster Response and Rescue Team (DRRT).
Nabatid na agad na nagbuo ng kanilang rescue team ang Philippine Navy nang malaman ang nangyaring massive landslide sa Barangay Sindulan at Tagaytay sa Naga City, isang adjacent community sa tabi ng Apo Cement CEMEX.
Samantala, dalawa sa 29 na nasawi ay manggagawa ng Apo Land and Quarry Corporation.
Sa nasabing bilang, limang mga cadaver ang hindi pa nakikilala.
Nasa 744 na mga pamilya o katumbas na 2,313 individuals ang nananatili sa evacuation centers sa lungsod ng Naga at sa karatig bayan ng San Fernando. VERLIN RUIZ
Comments are closed.