MALAMANG na bumaba ang shipment ng Philippine nickel ore ngayong taon ng ikaapat hanggang sa 30 milyong wet metric tons (WMT) mula sa nagdaang taong 40 milyong WMT dahil sa mababang pandaigdigang presyo at mahigpit na kompetisyon laban sa Indonesia para sa metal.
Ipinahayag ni Philippine Nickel Industry Association (PNIA) President Dante R. Bravo na ang kanyang grupo ay may projection na ang total na ore export para sa mineral ngayong taon na naka-settle sa pagitan ng 30 million WMT hanggang 35 million WMT mula sa nairekord na 35 million WMT hanggang 40 million WMT noong nagdaang taon.
“I think we will be exporting lower [volume this year] due to lower prices, especially for low-grade ores,” ani Bravo, na president ng Global Ferronickel Holdings Inc., sa isang panayam kamakailan.
“A lot of local nickel companies are exporting low-grade ores, so that could result in lower total volume of exports this year,” dagdag ni Bravo.
Lagina nasa downward trend ang presyo ng global nickel nitong nagdaang buwan dahil sa tensiyon ng kalakal sa pagitan ng Beijing, nangungunang consumer ng metal, at Washington, ayon kay Bravo. Bukod dito, ang sitwasyon ay lalong lumala dahil sa mataas na shipment na ginawa ng Jakarta na naunahan pa ang export ng nickel ore ng Maynila, dagdag ni Bravo.
“Hopefully, prices would recover next month,” sabi niya. “But it depends on how much Indonesia is exporting. So, far they are exporting more than us.”
Bukod pa rito, sinabi ni Bravo na ang mga minero ng nickel ay nananatiling positibo ang pananaw na ang pandaigdigang presyo ay makababawi sa likod ng mataas na demand para sa metal ng China at world markets dala ng pagbaba ng imbentaryo.
Ang presyo ng nickel na may benchmark London Metal Exchange (LME) noong Hulyo 9 ay nagsara sa $13,970 per MT, bumabawi ng 1.52 percent mula sa $13,760 per MT settlement offer noong Hulyo 6. Pero sa buwanang basehan, ang settlement offer ng Hulyo 9 ay nasa 8.33 porsiyento mas mababa sa $15,240 per MT na nairekord noong Hunyo 8 sa LME.
Mula sa datos ng Mines and Geosicence Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nakita na ang bansa noong 2017 ay nakapagpaangkat ng 23.351 million dry MT (DMT) o malapit sa 36 million WMT ng nickel ore, na mababa sa 6 porsiyento na mas mababa sa 24.951 million DMT na may recorded volume noong 2016.
Nagpakita rin ang MGB ng data na ang total ore shipment noong nagdaang taon ay nagresulta sa total nickel ore content na nasa 315,428 MT, 5 porsiyento mataas kaysa sa 300,506 MT na nairekord noong 2016.
Puwedeng tumaas ang Philippine nickel mine output ngayong taon ng 17.14 porsiyento, tatlong taong mataas ng 410,000 MT dahil sa udyok ng magandang kondisyon ng panahon, ayon sa London-based brokerage Sucden Financial Ltd. (Sucden Financial).
Sinabi ng Sucden Financial Head of Research Geordie Wilkes na may forecast sila ng 60,000-MT na pagtaas sa Philippines’ total nickel mine output ngayong taon mula sa 2017 350,000 MT. Ang brokerage firm’s figures ay kumakatawan kung gaano pa kalaki ng ore ang puwedeng minahin sa bansa ng walang ban sa industriya, ayon sa Wilkes.
“Mine output was lower in 2017 predominantly due to weather in the Philippines. Whilst the ban had an impact there is evidence to suggest that the prevailing reason for the decline was the poor weather and technical issues,” paliwanag niya sa isang e-mail exchange.
“Therefore, with better weather we would expect to see an improved mine output. This is because the ban only impacts new projects.
The Philippines produces nickel in the form of nickel ore or nickel-in-intermediate,” dagdag pa ni Wilkes. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS
Comments are closed.