IPINADALA ng Philippine Navy ang BRP Jose Rizal sa Philippine Rise, isang maritime feature sa Silangang bahagi ng Luzon.
Ang BRP Jose Rizal ay isang guided-missile frigate at magpapatrolya sa nasabing lugar kung saan matatagpuan ang itinuturing na pinakamalaking caldera sa buong mundo.
Ang send-off ceremony sa PPIC Port sa Poro Point, San Fernando City, La Union, ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng Philippine Navy, Northern Luzon Command, at Philippine Coast Guard.
Ayon sa Philippine Navy,sumisimbolo ito commitment ng bansa na panindigan ang soberanya at karapatan nito sa mga katubigan at pagrespeto sa international maritime laws and regulations.
Ang pagpapadala sa naturang barko ay bahagi ng ika-7 taong anibersaryo ng Philippine Rise.
Ang Philippine Rise ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) kung saan patuloy itong isinasailalim sa conservation effort para maprotektahan ang mayaman nitong marine biodiversity.