BUBUO ang Philippine Sports Hall of Fame ng isang Review Committee na kabibilangan ng mga piling sports media practitioner upang tulungan silang suriin ang mga nominasyon na inaasahag bubuhos para sa fourth enshrinement na nakatakda sa Nobyembre.
Sa ilalim ng R.A. No. 8757 na mas kilala bilang PSHOF Act, tanging ang Screening Committee na binubuo ng Philippine Sports Commission (PSC) Chairman, Philippine Olympic Committee (POC) President, Games and Amusement Board (GAB) Chairman, dalawang miyembro mula sa POC accredited NSAs, at dalawang miyembro mula sa pribadong sektor ang kinikilalang pipili sa mga inductee.
“It is for this reason that the PSC, for the longest time, has been seeking the help of our partners from the sports media in the evaluation process of the Hall of Fame. We recognize their knowledge of the history of our country’s sports legends,” wika ni Ramirez.
Ang pagbuo ng isang review committee ay unang ipinatupad noong panahon ni dating PSC Chairman Harry Angping noong 2010.
Ang komite ay naatasang tumulong sa pagsusuri sa eligibility ng mga nominado. Magkakaroon ng pitong miyembro sa nasabing grupo. Wala pang napipiling bubuo sa komite subalit pinag-aaralan na ang shortlist.
Ang nominasyon ng mga inductee para sa fourth enshrinement ay magsisimula sa Marso 1.
Comments are closed.