PHILIPPINES’ 1ST STEVIA COMPANY – OFFICIAL SPONSOR SA DALAWANG CHRISTIAN CHURCH EVENTS

STEVIA-1

(by Edwin Cabrera)

OPISYAL na naging sponsor ang Glorious Industrial Deve­lopment Corporation (GIDC – Philippines’ 1st Stevia Company) sa ginanap na Be Tough Enough event sa Global Surge Worship Center nitong nakaraang Oktubre 28, ganu’n din sa katatapos lang na 1st National Summit na dinaos naman sa International Bible Church sa Mandalu­yong City noong Oktubre 29.

STEVIA-1-1Ang Be Tough Enough ay gathering ng mga pastor at kalalakihang youth leaders. Ginanap ito sa layunin na maipaalala sa mga kapatid nating Kristiyano ang kahalagahan ng papel o tungkulin na ginagampanan ng isang lalaki sa pamilyang Filipino – lalo’t higit sa lipunang kanilang ginagalawan. Ayon kay Pastor Art Esmalla, punong-abala sa mga nasabing event, nais nilang maging handa ang mga nagsipagdalo upang manindigan sa tama, malayo sa kasalanan at ayusin ang pamilya upang maging ganap na katanggap-tanggap sa Panginoon.

Nagbigay pahayag din si Pastor Esmalla sa kahalagahan ng kauna-unahang National Summit. Aniya, ang naging layunin ng pagtitipon ay para talakayin ang mga issue patungkol sa mga batas na tinatalakay ngayon sa kongreso at senado. Nais nilang bumuo ng iisang tinig upang maihayag ang kanilang suhestiyon patungkol sa mga issue ng bansa. Tiniyak din ni Pastor Esmalla na masusundan pa ng mga succeeding event tulad ng mga nabanggit upang mas pag-igtingin ang kanilang mga layunin.

STEVIA-1-2Naging mahalaga naman ang partisipasyon ng Glorious Industrial Development Corporation sa parehong events na ito sapagkat ang GIDC ay isang Christian company. Ani ni Ms. Maine Tare, STEVIA-1-4Marketing Head ng Glorious, na noon pa man ay nagbibigay na ng suporta ang GIDC sa iba’t ibang simbahan sa bansa. Nagbigay daan rin ang mga pagtitipong ito upang maipakilala ang kanilang mga produkto. Sa katunayan, sa naging talk ni Ms. Maine, ibinahagi niya ang advocacy ng kanilang kompanya na matulungan ang mga kababayan nating magsasaka. Dahil sa bawat pagtangkilik sa produkto ng GIDC, ibinabalik ng Glorious ang tulong sa kanilang mga magsasaka sa pamamagitan ng seguridad sa pang­kabuhayan at dagdag na kaalaman para sa ikauunlad ng farming sa bansa. Dagdag pa ni Ms. Tare, marami na ang nakapagtapos ng pag-aaral mula sa tulong ng GIDC.

STEVIA-1-3Mungkahi rin ng Glorious Industrial Development Corporation na subukan ang kanilang Glorious Blend 3 in 1 Coffee Mix na non-dairy creamer at gawa sa real coffee beans and stevia as natural sweetener substitute.

Mabibili ang Glorious products sa Mercury Drug, PureGold, Watsons, Generika, Shopwise, Robinsons Supermarket, Unimart, Fishermall, Rustans, Landmark, Cash & Carry at marami pang iba – nationwide. Para sa dagdag na kaalaman, maaaring bisitahin ang kanilang website: http://www.gidc.com.ph o tumawag sa (02) 8360-0900.

Comments are closed.