PHILIPPINES-AUSTRALIA SANIB-PUWERSA SA MARITIME COOPERATIVE ACTIVITY

MATAPOS ang isinagawang matagumpay na air and maritime joint patrol ng Pilipinas at U.S Indo-Pacific Command sa West Philippine ay agad na sinimulan ng Armed Forces of the Philippines ang Philippine- Australia Maritime Cooperative Activity sa karagatang saklaw ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang naghayag na pinasimulan na kahapon ang joint maritime cooperative activity sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Ayon sa Pangulong Marcos, maituturing ito na “practical manifestation of the growing and deepening strategic defense partnership between our countries”

Nilinaw ng Department of National Defense at maging ng AFP na layunin ng nasabing joint exercises na masanay ang kanilang mga tauhan na malinang ang joint operability, makipagsabayan sa pagsasagawa ng maritime security at domain awareness at masubukan ang mga doktrina at mga umiiral na protocols hinggil dito.

Ang nasabing joint joint patrols ay sumusuporta sa rules-based international order at ang pagkakaroon ng mas peaceful, secure, at stable Indo-Pacific region.

Ayon kay Australia’s defense ministry Deputy Prime Minister Richard Marles ipinakikita ng nasabing aktibidad ng dalawang magka-alyadong bansa ang kanilang commitment para sa peaceful, secure and prosperous region, kung saan ang soberanya at mga napagkasunduang alituntunin at batas ay iginagalang.

Kalahok sa nasabing maritime cooperative activities ang BRP Gregorio del Pilar at BRP Davao del Sur ng Philippine Navy at ilang surveillance aircrafts ng Philippine Air Force.

Nakikipagsabayan ang PN at PAF sa HMAS Toowoomba at Royal Australian Air Force P-8A Poseidon maritime surveillance plane sa dagat na saklaw ng Philippines’ exclusive economic zone, pahayag pa ng Australia’s defense ministry .

“The Philippines and Australia are longstanding defense partners. The Philippines welcomes bilateral activities with Australia, and other like-minded partners, that promote and maintain a rules-based international order,” pahayag naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro. VERLIN RUIZ