PHILLIP SALVADOR HANDS OFF SA KASO NG PAMANGKIN NA SI DEBORAH SUN

AYAW nang tulungan ni Phillip Salvador ang kanyang pamangkin na si Deborah The pointSun.

Ang dating aktres ay anak ng kanyang kapatid na si Leroy Salvador bagama’t anim na taon lamang ang agwat ng kanilang edad.

Nang matimbog sa isinagawang buybust operations ng police ope­ratives sa condominium unit na pagmamay-ari ni Ara Mina, itinanggi kasi ni Deborah na siya ay gumagamit ng bawal na gamot at sinabing na­damay lang siya.

Para naman makumbinsi, iginiit ni Phillip sa mga arresting officers na isailalim sa drug test ang pamangkin niya at ang mga anak nito.

Nagbitaw rin siya ng salita na kung negatibo ang resulta ng drug test kay Deborah, dapat na palayain ito pero kaila­ngang dumaan sa wastong pro­seso.

Kung positive naman ang resulta at may batas na nilabag, ipapaubaya niya sa mga  kinauukulan ang nararapat gawin.

Dahil nag-positibo sa droga, hindi raw niya tutulungan ang dating aktres na makalabas ng kulungan na taliwas sa inaakala ng ibang tao.

Si Phillip ay balik-pelikula sa “Isa Pang Bahaghari” na posible na maging kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival kung saan muli silang magsasama ng Superstar na si Nora Aunor.

VERDICT WAGI SA VENICE FILM FESTIVAL

ISA na namang karangalan ang  iniuwi ng isang Pinoy dahil wagi sa 76th Venice Film Festival ang pelikulang “Verdict” ni Raymund Ribay Gutierrez.

Nanalo ito ng Special Jury Prize noong Setyembre 7 nang kabugin nito ang mga bigating kalaban sa Orizzonti New Horizon’s competition.

Ang Verdict, na produkto ng Armando Lao Found Story School of Filmma­king at ng Brillante Mendoza Film Workshop, ay produced ng mentor ni director Gutierrez at film auteur na si Brillante Mendoza. Ang pelikula ay tumatalakay sa kuwento ng isang battered wife na naghahanap ng hustisya na pinagbibidahan nina Max Eigenmann, ng  yumaong si Kristoffer King, Jorden Suan, at Rene Durian.

Ang director nitong si Gutierrez ay nakilala sa mga short films tulad ng “Judgment” (2018) at “Imago” (2016)  na pawang naging kalahok sa Palme d’Or Best Short Film category sa Cannes. Ang “Imago” ay nagwagi ng Best Short Cuts sa Toronto International Film Festival, Best Short Film Award sa Stockhome International Film Festival at Best Short Film sa London Short Film Festival.

Comments are closed.