INILAHAD ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) na sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law bibigyan nito ng prayoridad ang mga lugar na mababa ang produksiyon ng bigas na kinabibilangan ng may 1,212 bayan sa 57 probinsiya na kinilala ng Department of Agriculture (DA) Rice Roadmap.
Sa isang pagpupulong sinabi ni PhilMech Deputy Director Raul Paz, na layon ng farm mechanization na pababain ang pagkalugi sa postharvest production – mula sa pagpapatuyo hanggang paggigiling.
Sa pag-aaral ng PhilMech noong 2010, nakita na ang hindi maayos na pagpapatuyo, na ginagamit ang mga kalye at daanan ang nananatiling gawain ng mga komunidad na magsasaka, na nagreresulta sa mataas na pagkalugi matapos ang ani, habang ang hindi maayos na pagpapagiling ang nagdulot din ng pagkalugi ng 5.52 porsiyento.
Ang ibang dahilan ay mula sa paggiik, (2.18 porsiyento), pagpapatuyo (5.9 porsiyento), pag-aani (2.03 porsiyento), pag-aayos (0.08 porsiyento), at pag-iimbak (0.8 porsiyento).
Sa tamang intervention sa mekanismo ng pagsasaka para matugunan ang mga isyu na kaugnay ng postharvest losses, sinabi ni Paz, na ang halaga ng produksiyon ng palay sa bansa ay puwedeng ibaba sa PHP10 hanggang PHP11 kada kilo mula PHP12.72.
May alokasyon ang Rice Tariffication Law ng PHP10 bilyon kada taon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), kung saan ang PHP5 bilyon ay mapupunta sa PhilMech para sa farm mechanization para mapabuti at madagdagan ang produksiyon ng bigas ng mga magsasakang Pinoy para sila ay mas makapagkumpetensiya sa kanilang Southeast Asian neighbors.
Sinabi ni Paz na mamamahagi ang Philmech ng 200 sets ng farm machines kada taon na nagkakahalaga ng PHP20 milyon bawat set para sa anim na taon sa mga prayoridad ng lugar o bayan na mababa ang produksiyon ng bigas.
Ang pamamahagi ay gagawin sa huling buwan ng taon o sa mga unang buwan sa susunod na taon dahil kailangan pa nilang gumawa ng balidasyon sa listahan ng farmer organizations/cooperatives na benepisyaryo ng mga kagamitang pangsaka.
Sinabi ni Paz na ang procurement ng mga makinaryang pangsaka ay magsisimula sa Agosto, na kasama ang transplanters at four-wheeled tractors, na makukuha naman sa domestic manufacturers.
Ang Rice Tariffication Law ma pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong February 14, 2019, ay naglalayon na paluwagin ang importasyon ng bigas.Inaasahan din na ibaba ang retail prices ng pangunahing pagkain at para maibaba ang inflation ng 0.5 percentage sa 0.7 percentage points nga-yong tao. PNA
Comments are closed.