SENTRO ng aksiyon sa buwan ng Agosto ang mga batang pangarera sa pagsisimula ng 2022 Philracom 2YO Maiden Stakes bilang pagbibigay-pugay kay dating Philracom Chairman at Philippines permanent representative to the United Nations Amb. Antonio Lagdameo Sr. ngayon sa San Lazaro Business and Leisure Park.
Anim na dalawang taong panlaban ang maghaharap sa distansiyang 1400 metro, tampok ang Secretary. Masusubok siya sa lakas ng Sky Magic, Malibu Bell, Noon Charm, Love Radio at Jaguar.
Isang batikang lingkod-bayan, nagsilbi rin si Ambassador Lagdameo bilang kinatawan ng bansa sa United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland.
Bago nagsimual ng kanyang career sa Philippine Foreign Service, nanilbihan si Ambassador Lagdameo sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan kabilang ang pagiging chairman ng Philippine Racing Commission mula 1994 hanggang 1998.
Naging bahagi rin siya sa malalaking korporasyon sa bansa tulad ng Carrije Cargo, Inc., Carrije Holdings LTD, Inc. and House of Travel, Inc.
Bahagi rin ng adbokasiya ni Ambassador Lagdameo ang pagpapalago ng Philippine arts and culture. Sa kanyang pamumuno, nagsagawa ang Philippine Embassy sa London ng mga programa para ipakilala at palakasin ang kulturang Pinoy, gayundin ang matibay na samahan ng dalawang bansa.
Si Amb. Lagdameo ang ama ni Special Assistant to President Ferdinand Marcos Jr. Anton Lagdameo.
“It is with great honor that we come to recognize former Chairman Lagdameo for his contributions in steering the Philippine horse racing industry during his four-year stint at this office. The industry as a whole feel happy and proud of his new appointment as permanent representative to the United Nations,” pahayag ni Philracom Chair Reli de Leon.