NAKAHANDA na ang entablado para sa P2.5-M 2022 Philippine Racing Commission Chairman’s Cup na lalarga sa Linggo, Mayo 8, sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.
May distansiyang 2000 metro, tampok ang mga beteranong pangarera sa pangunguna ng Boss Emong (Dance City out of Chica Una bred by Tony Tan Jr.) na nagwagi sa Commissioners’s Cup ngayong taon, at ang alaga ni Leonardo ‘Sandy’ Javier Jr., na Super Swerte (Art Moderne out of Faster Tapper bred by Javier himsef), na namayani sa Classic Cup noong nakalipas na Linggo.
Hinahamon sila para sa pinakamalaking premyo na P1.5-milyon ng 2020 Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island ni Wilbert Tan na bumabalik sa porma, Isla Puting Bato ni Redentor Domingo na palaging nasa podium sa kanyang mga pagsali sa stake race kamakailan, at Big Lagoon ni Melaine Habla.
Inaasahan na ang suporta ng publiko ay papabor sa Super Swerte at Boss Emong dahil ang dalawa ay naghahati ng panalo sa kanilang mga pagtatagpo, kabilang ang isang makapigil-hiningang tunggalian mula sa pagbubukas ng gate sa 2022 Philracom Classic.
Sa Chairman’s Cup Division 2 (2000 meters), pitong gallopers ang maglalaban para sa P450,000 winner’s prize sa pangunguna ng undefeated Robin Hood na inaasahang magiging top favorite sa karera, stablemate na Magtotobetski, Golden Sunrise, Hookbung Dagat, King Tiger , Moment of Truth at Shanghai Noon.
Ang Division 3 version ng annual event na may naghihintay na P300,000 sa mananalo ay magtatampok sa siyam na gallopers na pawang may kakayahang mag-uwi ng karangalan. Ang Blackburn, Bravo at ang stablemate na Prime Time Magic, ang magkakasamang runner na Greatwall at Patong Patong, Gusto Much, La Liga Filipina, Life Gets Better at Victorious Colt ay makikipag-head-to-head din sa 2000-meter distance.
“This is the culmination of this year’s Triple Cup for older horses. Unfortunately, no one is in the hunt for the P1-million bonus for sweeping the three legs but that does not take away the challenge for bragging rights for both winners of the first two legs,” pahayag ni Philracom Chairman Reli de Leon .
“Events like these give incentive to owners and breeders alike to improve their stock thus, in the process, bring the industry to greater heights,” aniya.EDWIN ROLLON