NAGHIHINTAY ang maaaksiyong weekend para sa bayang karerista sa pagsisimula ng Philracom Summer Racing Festival sa Marso 30 at magtatapos sa Abril 17.
Ayon kay Philracom Chairman Reli de Leon, may insentibong naghihintay para sa mga kalahok na magwawagi ng dalawang ulit sa torneo na paglalabanan batay sa alituntunin na ipinatutupad sa Condition Races o Ratings Based Handicap Races.
Batay sa regulasyon, tatanggap ang top three finishers ng premyong P40,000, P15,000 at P5,000, ayon sa pagkakasunod. Sa Condition at Maiden races, ang magwawagi ay tatanggap ng dagdag na premyong P20,000.
Bikod dito, ang top 10 performing trainers at jockeys ay mag-uuwi ng plaques of recoginition at P50,000 sa kampeon, P30,000 sa ikalawa at P20,000 sa ikatlong puwesto, habang ang ika-apat hanggang ika-10 ay may P10,000.
Sa mga dehadong mananalo, naghihintay naman ang insentibo na P50,000 para sa may pinakamalayong distansiya , P30,000 sa ikalawang pianakamalayo at P20,000 sa ikatlong pinakamalayo.
“This is Philracom’s way of supplementing the income of stakeholders in the industry after how the pandemic has affected our industry. Moreso, it will also give racing fans exciting events to support, not to mention juicy dividends on their investments,” ani De Leon.