NAGSIMULA na ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) para tulungan ang mga magsasaka ng kailangang kaalaman at impormasyon para lalo silang makahabol sa mga hamon ng rice trade liberation.
Sa pagsisimula ng okasyon ng “Lakbay Palay” na nagsimula noong Huwebes sa PhilRice compound sa probinsiya, ipinakilala na rin ang proyekto sa ilalim ng programa ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa mga magsasaka para makatulong sa kanila na maging kapareho ng kanilang mga kapanabayan sa mga kapit-bansa.
Pahayag ni Dr. Flordeliza H. Bordey, PhilRice deputy executive director and RCEF program director, na ang “Lakbay Palay” ngayong taon ay magpopokus sa teknolohiya na magdaragdag ng ani sa mga magsasaka habang bumababa ang gastusin sa produksiyon ng palay.
Ayon kay Bordey na tatalakayin sa mga magsasaka ang tungkol sa seed component para sa promosyon, pagkakalat at paggawa ng certified inbred seeds.
Gayundin, sinabi niya na ang mga eksperto mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, Landbank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, and Agricultural Training Institute ay tatalakay rin tungkol sa libreng makinarya, pautang at mga training.
“Experts will also teach farmers on vegetable, mushroom, and lotus production, Sorjan system, crops and livestock integration, and buffalo raising,” sabi niya.
Dagdag pa niya na ang PhilRice technologies tulad ng capillarization at “kwebo” ay ipakikita rin.
Ang “Lakbay Palay” ay isang okasyon na ginaganap dalawang beses sa isang taon para sa mga magsasaka, extension workers, mga estudyante at iba pang rice stakeholders. PNA
Comments are closed.