PHILSYS REGISTRATION PINAIGTING SA MGA LIBLIB NA LUGAR

PINAIGTING ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang registration activities nito sa mga liblib at disadvantaged  communities sa bansa.

Sa pamamagitan ng kanilang regional at provincial offices, ang PSA ay nagsagawa ng registration sa Panggungan Island at Panitayan Floating Village sa Tawi-Tawi, at Nagtipunan, Quirino. Ang naturang registration activities ay bahagi ng pagsisikap ng PSA at regional offices nito na matiyak na ang bawat Pilipino ay makapagpaparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).

“True to our commitment to bring PhilSys registration closer to every Filipino, the PSA shall continue to reach out to our kababayans in every corner of the country to ensure that no Filipino is left behind in PhilSys. We are thankful for the support of our stakeholders for continually rallying with the PSA,” sabi ni PSA Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, PhD, National Statistician at Civil Registrar General.

Sa Tawi-Tawi, ang Regional Statistical Services Office Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (RSSO BARMM) ay nagsagawa ng two-day registration sa Panggungan Island, sa Municipality of Sitangkai, at sa Panitayan Floating Village, ang huling floating village sa southernmost frontier, na tahanan sa  nakararaming Badjao community.

Sa tulong ng  Philippine Navy, Jade Badjao Learning Center, Inc. (JBLCI), may 190 indibidwal ang nagparehistro sa  PhilSys, habang 38 indibidwal ang inisyuhan ng  ePhilIDs.

Nagkaloob din ng serbisyo ang RSSO BARMM para sa pag-iisyu ng libreng Certificate of Live Birth (COLB) sa unregistered marginalized individuals sa pamamagitan ng PhilSys Birth Registration Assistance Project (PBRAP), na nagbigay  benepisyo sa 384 indibidwal.

Gayundin, sa Province of Quirino ay nagkaloob ang Provincial Statistical Office (PSO) ng registration services sa Barangay Matmad, ang pinakamaliit na barangay sa Municipality of Nagtipunan, at itinuturing na ‘Least Accessible Barangay’ sa lalawigan.

Ang Barangay Matmad ay maaari lamang marating sa pamamagitan ng bangka o two-day trek na nangangailangan ng pagtawid sa mga ilog. Gamit ang battery packs bilang source of electricity, ang PhilSys registration ay nakapagrehistro ng 43 indibidwal na kinabibilangan ng mga estudyante at residente. Ito ang ikalawang  registration activity ng PSO Quirino sa Barangay Matmad.

“We hope that our kababayans take the opportunity to register to PhilSys and be part of Makabagong Pilipinas that we aspire. We thank our PhilSys registration teams for going the extra mile to register every Filipino,” dagdag ni Usec. Mapa.

Hanggang November 17, 2023, may kabuuang  81,988,183 Filipinos na ang nakapagparehistro sa PhilSys.