SA KABILA ng sinasabi ng ilang kampo, inihayag ni Philippine Tennis Association president Atty. Antonio Cablitas na tiwala siyang mareresolba niya ang mga isyu na kinakaharap ng PHILTA, kabilang ang pagsuspinde rito ng International Tennis Federation, para sa interes ng sport at ng mga atleta nito.
“I can assure the Philippine tennis community that I can solve these problems. In fact I have been trying to solve them even before the (COVID-19) pandemic,” ani Cablitas sa kanyang maiden appearance sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online forum.
Si Cablitas ay sinamahan sa forum ni PHILTA vice president Martin Misa, na inilahad ang mga plano at programa ng asosasyon para sa susunod na taon.
“Governance and representation, I can solve these problems. More than anybody else I am concerned about that,” sabi ng PHILTA chief patungkol sa desisyon ng world tennis body na suspendihin ang local association ng dalawang taon dahil sa dalawang isyu.
Ayon kay Misa, na dating national coach, taliwas sa inaakala ng ilan, “PHILTA has been very busy but we were not announcing it. We had about 70 tournaments annually before the (COVID-19) pandemic struck.”
“Maybe I should be active on social media to promote them.”
Pinayuhan niya ang mga tennis player na lumayo sa politika sa PHILTA.
“Just stick to what you’re doing and train hard for next year.”
Bukod sa pag-organisa ng mga torneo, sinabi ni Misa na aktibo rin ang asosasyon sa pagdaraos ng mga workshop para sa coaches at technical officials sa kanayunan, at idinagdag na nakatakda itong pumirma ng kasunduan sa Department of Education para sa pagsasailalim ng physical education teachers sa workshops upang ituro ang paglalaro ng tennis sa kanilang mga estudyante sa tamang paraan.
Nagpapasalamat din siya na patuloy na kinikilala sng PHILTA ng Philippine Olympic Committee (POC) sa ilalim ni reelected POC president Bambol Tolentino, na makatutulong para maalis ang suspensiyon ng ITF sa local tennis body.
Comments are closed.