PHIVOLCS MULING NAGPAALALA SA “THE BIG ONE”

Phivolcs

MULING  nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) hinggil sa “The Big One” o malakas na lindol sa Metro Manila at karatig na lugar.

Ito ay matapos ang naitalang sunod-sunod na lindol at aftershocks sa ilang lugar sa Mindanao.

Ayon kay Phivolcs  Science Research Specialist Erlinton Olavere, naimapa at naiguhit na nila ang West Valley Fault at natukoy na ang mga tatamaang lugar.

Dagdag pa nito, ang mga Local Government Unit (LGUs) na ang bahala kung ano ang mga dapat gawin sa mga lugar na nakasasakop ng natu­rang fault.

“Siguro ‘yun ang nasa LGU na po kung ano mang city ang nakakasakop dito so, si­guro sila na po ang may obligasyon na sabihan kung ano man ang tamang gawin sa nasabing lugar,” ani Olavere.

Iginiit din nito na dapat ay maging handa na ang lahat para sa pagda­ting pa ng mga lindol.

“Kailangang may paghahanda tayong gawin kung sabihin natin na ganito ang nangyayari sa area ng Cotabato, sa Tulunan, Makilala area. So, kung sakaling mang­yari man ‘yan sa Metro Manila ganu’n din po, merong mga masisirang kabahayan, gusali so, habang may oras pa kailangan meron tayong gawing paghahanda,” ani Olavere.  — sa panayam ng DWIZ Balitang Todong Lakas.

Comments are closed.