(PHIVOLCS sa LGUs) LAGAY NG PANAHON SA BULKANG KANLAON I-MONITOR

NANAWAGAN ang Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga lokal na pamahalaan at komunidad malapit sa bulkang Kanlaon na patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon sa Negros Island.

Inaasahan sa susunod na linggo ang posibleng pagpasok ng potential Low Pressure Area sa bansa na magdadala ng mga pag-ulan.

Kailangan maging handa ang mga LGU na gumawa ng mga hakbang para sa maagang pagtugon sa kaligtasan mula sa potensyal na panganib ng lahar.

Sa panahon ng pag-ulan, dapat iwasan ang mga lugar malapit sa ilog at daluyan ng tubig mula sa bulkan na posibleng daluyan ng lahar mula sa tuktok ng bulkan.

Batay sa ulat may tatlong milyong ash deposits ang nasa ibabaw ng bulkang Kanlaon mula ng pumutok noong Disyembre 9, 2024.

Tatlong beses na ma­rami sa isang milyong metric tons ng ash deposits na naitala ng huling pumutok noong Hunyo 3, 2024.

EVELYN GARCIA