PHL AGRICULTURE OUTPUT LUMAGO NG 2.87% SA Q3 2019

AGRICULTURE OUTPUT

NAKAPAGTALA ang sektor ng agrikultura ng pagbawi sa  third quarter ng 2019 sabay sa paglago nito ng 2.87% mula sa  0.87% na pagbaba sa parehong panahon noong nagdaang taon, ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) kamakailan.

“This is a much better performance. We will continue to enhance the proper and sustained implementation of programs and projects of the Department of Agriculture to further elevate the growth of the agriculture sector,” pahayag ni Agriculture Secretary William Dar.

“We were expecting between 2.0% and 2.5% [growth]. This shows that the farmers and fishers are showing a resilient performance with the programs and projects of the DA,” sabi ni Dar.

Napansin ang pag-akyat sa mga pananim, livestock, poultry at fisheries.

Nagtala ang produksiyon ng pananim ng 45.19% sa total na agricultural output  na lumago ng 2.01% noong panahon na ang mais ay tumaas ng 23.47% sa kabila ng 4.53% pagbaba sa output ng palay.

Ang pagbaba sa produksiyon ng palay ay naiugnay sa sobrang pagkabawas sa mga lugar na inani sa Western Visayas at Soccsksargen dahil sa kakulangan sa supply ng tubig.

“The same reason was cited for decreases in harvested areas in CALABARZON, MIMAROPA Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula and Caraga,” ayon sa PSA.

Para sa produksiyon ng mais, naitala ang pagbawi sa gitna ng pagpapalawak sa mga ina­ning lugar sa Cagayan Valley habang nakabawi ang corn farmers mula sa pagkasalanta dala ng bagyong si “Mangkhut” (Ompong) noong 2018.

“Further, there was shifting from cassava and sugarcane to corn production in the region. Similarly, CAR reported recovery from the damages caused by Typhoon “Mangkhut” (Ompong) in 2018,” pahayag ng PSA.

Sa Central Luzon at Northern Mindanao, napansin ng ahensiya na ang mas maaayos na produksiyon ng mais ay na-trace sa seed program interventions ng Department of Agriculture (DA) at local government units (LGUs).

Gayundin, mas maraming tanim at mataas na ani ang nai-report sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) resulta ng program interventions ng DA at LGUs.

Samantala, ang produksiyon ng paghahayop ay lumago sa 1.63% ng third quarter. Ang livestock sector ay nakapagdagdag ng 18.67% sa total na agricultural output.

Ang produksiyon ng babuyan ay nakapag-record ng pataas na 1.96% sa kabila ng report ng mga tumaas na pagkakatay at maagang pagtatapon o pagpatay ng mga ito sa Cagayan Valley, Mimaropa Region at Zamboanga Peninsula dahil sa banta na baka apektado na ito ng African swine fever (ASF).

Mas mataas na timbang ng mga baboy ang naitapon sa Calabarzon, Western Visayas at Central Visayas.

“In addition, there were higher demand for pork in Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN and Caraga during the reference quarter,” paha­yag ng PSA.

Tumaas ang dairy production sa 6.48% sa gitna ng pagtaas sa imbentaryo ng dairy animals na naitala.

Nagtala rin ang poultry production ng 8.41% ng third quarter, at na­kibahagi ng 19.44% sa total na agricultural output.

“All poultry commodities recorded production increases,” dagdag pa ng PSA.

Lumago rin ang produksiyon ng pangingis­da ng 16.70% sa total agricultural output na paglago ng 0.56% sa third quarter habang nagrehistro ang bangus, skipjack at seaweed ng dagdag sa produksiyon.

Sa kasalukuyang pres­yo, ang total value ng agricultural production ay umabot sa P395.3 billion, 3.64% mas mababa sa record noong nagdaang taon.

“The total value of livestock production in the third amounted to P70.1 billion, down 6.49% from the previous year’s level,” ayon sa PSA

Nagtala ang baboy ng 8.70% na mababang output value ngayong panahon resulta ng pagbaba ng presyo.

Samantala, ang uptrend sa presyon ay dala ng mataas na halaga ng produksiyon ng kambing ng 6.19%, baka ng 4.35% at kalabaw ng 4.24%.

Ang total value ng poultry production ay umabot sa  P61.5 billion o higit sa 9.60% ngayong tatlong buwan kumpara sa nagdaang taon.

Lumago ang manok ng 5.79% sa output va­lue dahil sa mataas na produksiyon.

“The output values were up for chicken eggs by 21.19%, duck by 12.60% and duck eggs by 10.62% and these were attributed to the combined increases in the volume of production and prices,” saad pa ng PSA.

Ang produksiyon ng isda ay naitala sa P64.1 billion, mababa ng 0.41% sa record ng nagdaang taon.

Ang pagbaba ng produksiyon ay nagresulta sa pagbawas ng output values ng tiger prawn ng 3.65% at tilapia ng 0.64%.

Ang kinita sa halaga ng produksiyon ng skipjack ng 20.83% at seaweed ng 6.65% ay dala ng mataas na dami ng produksiyon at mataas na presyo nito.

Ang malawak na output ang nagtulak pataas sa halaga ng produksiyon ng bangus ng 9.48%. Dahil sa pagtaas ng presyo, nagkaroon ng mataas na output value para sa yellowfin tuna ng 10.28%.

Comments are closed.