CAMP AGUINALDO – KAKAYANIN ng pamahalaan na maibili ang Philippine Army ng medium range ramjet supersonic BrahMos cruise missiles para sa kanilang coastal defense mission, ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.
“There is money for it as per our modernization program,” ayon kay Lorenzana nang tanungin siya tungkol sa kakayahan ng Filipinas na suportahan ang acquisition BrahMos missiles na ginawa ng Russia at India.
Nabatid na ang pagbili ng land-based missile system ay nasa ilalim ng Horizon Two of the Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program na ipinatutupad para sa taong 2018 hanggang 2022 na pinaglaanan ng P300-B ng Duterte adminsitration.
Pahayag pa ni Lorenzana na kasalukuyang nang binubusisi ng army ang BrahMos project.
Nabatid na ilang ranking Army officials ang bumisita sa “Shivalik”-class guided missile frigate, INS Sahyadri (F-49), para malaman ang iba pang missile capabilities kabilang na rito ang “BrahMos” cruise missile na maaaring ilunsad mula sa barko, aircraft, submarine o land base at may bilis na Mach 3 at may kakayahang maglunsad ng warheads na tumitimbang ng 200 hanggang 300 kilograms. VERLIN RUIZ
Comments are closed.