PHL CONSULATE SA OFW NA NASA HK: PUWEDE LUMABAS ‘WAG LANG MAGTAGAL

Hong kong

NILINAW ng Philippine Consulate sa Hong Kong na maaari namang lumabas ang mga overseas Filipino worker na nasa Hong Kong subalit dapat ay huwag magtagal lalo na sa lugar kung saan may kilos protesta.

Payo pa ng konsulada, agahan ang transaksiyon dahil karaniwang sa hapon ang assembly ng pro-democracy group.

Dapat umanong bumalik kaagad sa kani-kanilang mga bahay ang mga OFW matapos ang transaksiyon tulad nang pagpapadala ng pera sa Filipinas.

Ito’y para hindi na maipit pa sa maraming mga protester ng extradition bill.

Kaugnay nito, patuloy rin ang pagpapa­alala ng konsulada na huwag pumunta sa mga protest areas upang hindi rin madamay.

Mayroon din aniyang inilabas na abiso ang Philippine consulate kung ano ang mga sche­dule ng protesta upang mabigyang babala ang mga OFW kung saang mga lugar ang dapat na ­iwasan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.