PHL, JORDAN LUMAGDA SA LABOR, DEFENSE AT INVESTMENT DEALS

DUTERTE-Abdullah II

NILAGDAAN ng Filipinas at Hashemite Kingdom of Jordan ang limang kasunduan na magpapalakas sa ugnayan ng dalawang bansa.

Sinaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte at King Abdullah II ang paglalagda sa mga kasunduan  na inilarawan ng Jordanian royalty na “milestone”  sa diplomatic relations na nagsimula noong 1976.

Kasama sa mga ni­lagdaan  ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at ang kanyang Jordanian counterpart ang   Memorandum of Understanding on Political Consultations.

Nilagdaan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang isang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation sa pagitan ng Department of National Defense ng Filipinas at Jordan Armed Forces-Arab Army.

Pinangunahan naman ni Ambassador to the Philippines Akmad Atlah Sakkam ang paglagda sa kasunduan sa pagitan ng Maritime Industry Authority of the Philippines at Jordan Maritime Commission at ito ay patungkol sa Recognition of certificates under the terms of 1978 Standards of training certification and Watch Keeping for Seafarers.

Nalagdaan din ang Cooperation Framework for Employment of Domestic Workers and Memorandum of Understanding on Labor Cooperation sa pagitan ng Filipinas at Jordan na pinangunahan naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III at kanyang Jordanian counterpart.

Nagkaroon din naman ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Board of Investments of the Philippines at Jordan Investment Commission na nilagdaan ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.

Ang paglalagda ang isinagawa sa pagbisita ni Duterte kay King Abdullah II sa Al Husseinieh Palace sa Amman.

Comments are closed.