NANANATILING matatag ang relasyon ng Pilipinas at South Korea, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Punong Ehekutibo, 75 taon nang maayos ang diplomatic relationship ng dalawang bansa.
“The relationship between our two countries has been ongoing for 75 years now, and this has been a very important partnership for the Philippines, and I think, also for the Republic of South Korea,” anang Pangulo.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isang panayam sa kanya ng Maekyung Media Group sa Malacañan Palace.
Sinabi ng Chief Executive na magkapareho ang pagsisikap ng Pilipinas at South Korea para mapanatili ang relasyon ng dalawang bansa.
“What we are now trying to do is to promote the partnerships that we have begun in the past so that the exchange between our two countries will increase and will be mutually beneficial to both the Republic of Korea and the Republic of the Philippines,” dagdag pa ni PBBM.
Naging selyado ang relasyon ng dalawang bansa noong March 3, 1949. EVELYN QUIROZ