NAGTALA ang Philippine manufacturing sector ng kaunting pagbaba nitong nakaraang buwan ng Agosto dala ng pagbagsak ng produksiyon na resulta ng buwanang IHS Markit Survey na ini-release kahapon.
Bumagsak ang IHS Markit Philippines Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) sa 51.9 nitong Agosto, mula 52.1 noong Hulyo, ang pinakamagaling na reading sa loob ng anim na buwan.
Ang PMI ay isang composite indicator ng galaw ng manufacturing sector, na may 50.0 bilang pamantayan. Ang reading na mataas sa 50 ay indikasyon ng paglago, habang ang mababa sa 50 ay kontraksiyon.
“Latest PMI figures showed that growth in the Philippines manufacturing sector was largely similar in both July and August,” sabi ni David Owen, economist sa IHS Markit sa isang paliwanag.
“While sales growth was down from the previous month, greater hiring activity meant that the headline reading dropped only slightly to 51.9 (from 52.1),” aniya.
Habang ang benta naman ay nananatiling malakas sa pangkalahatan, may ilang kompanya ang naapektuhan ng habagat at pag-ulan ganu’n na rin ang pagbaba sa demand mula sa mga kliyente noong panahong iyon.
“Some firms noted a slowdown in customer demand due to monsoons during August. This also led to a slight deterioration in supply chain efficiency as lead times increased marginally,” sabi ni Owen.
“Nevertheless, firms were still able to increase stock levels,” dagdag niya.
Pero napansin ni Owen na dapat tingnan ng Filipinas ang patuloy na pagbaba ng order mula sa ibang bansa.
“One note of caution from the data was another moderate fall in export demand. New orders from abroad have now fallen in ten out of the last 12 months, as trading conditions in the region remain difficult due to the US-China trade war,” sabi niya.
“The economy is subsequently relying on strong domestic sales to stop growth from falling any further.”
Ang resulta ng pagtatala ng gobyerno sa manufacturing noong Hulyo, o ang resulta ng Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI), ay ire-release sa Oktubre10.
Comments are closed.