PHL NAVY WAR SHIP NASA KOREA

ph navy

NASA South Korea ngayon ang isang barkong pandigma ng Philippine Navy para opisyal na lumahok sa gagana­ping ASEAN Defense Ministers’ Meeting – Plus (ADMM-Plus) Maritime Security Field Training Exercise 2019 .

Ipinadala ni Navy Flag Office in Command ang Frigate ng Philippine Navy ang BRP Andres Bonifacio at ligtas na nakapagla­yag ito at dumaong sa sa Busan Naval Base Pier sa South Korea.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. Jonathan Zata, ito ang ikalawang pagkakataon na may barko ang Filipinas na nagtu­ngo sa South Korea.

Ang kauna-unahan ay ang historic visit noong October 2018 sa Jeju Island na pinangunahan ni Capt. Florante Gagua ng Naval task Force 87 at sinaksihan ng ilang mamahayag sa Filipinas kabilang ang reporter ng PILIPINO Mirror.

Ang naval contingent ngayon sa Busan ay pinangunahan ni Captain Roy vincent Trinidad ang Commander ng Naval Task Group 80.6.

Sa welcome remarks ni Trinidad, kaniyang sinabi na ang partisipasyon ng Philippine Navy sa ASEAN Defense Ministers Meeting-initiated exercise ay patunay lamang sa commitment ng Philippine Navy para magkaroon ng magandang koordinasyon sa iba pang ASEAN countries at partner navies para magkaroon ng isang multilateral environment.

Samantala,  iniha­yag naman ni Navy Capt. Jerry Garrido na siyang commanding officer ng BRP Andres Bonifacio na pinananabikan nila ang kanilang magiging partisipasyon sa gaganaping naval exercise kasama ang iba pang ASEAN navies. VERLIN RUIZ

Comments are closed.