MANANATILI ang presyo ng asukal sa bansa above global levels sa susunod na taon at tuloy ang pagtaas ng konsumo habang ang produksiyon ay malamang na bumagal, lahad ng Fitch Solutions Macro Research kamakailan.
Sa kanilang industry trend analysis, sinabi ng Fitch Solutions, “Philippine sugar prices will remain uncompetitive by global standards.”
Binigyang-diin ng think tank na ang presyo ng bansa ay bumebenta na nasa P1,500 per 50-kilogram bag, “whereas our forecast for world 2020 sugar prices translates to around P760/50kg bag.”
“The rise in global sugar prices is therefore not going to make the Philippines any more or less price-competitive,” sabi pa nila.
Ang paglalagay ng pressure sa presyo ay ang inaasahang pagbagal sa produksiyon ng asukal.
“We have revised down our 2019/20 Philippine sugar production forecast to 2.1 million tons from 2.2 million tons previously, expecting output to remain flat y-o-y,” sabi pa ng Fitch Solutions.
“We have also moderately revised down our long-term production growth rate forecasts,” sabi pa nila.
Ang unti-unting pagbaba ng asukal sa mga lugar na nagkakaroon ng matagal na kakulangan sa paggawa at mataas na kompetisyon mula sa mas murang imported na asukal ay nakabibigat sa industriya sa mahabang panahon, ayon sa Fitch Solutions.
Noong 2015, pinutol ng bansa ang taripa sa 5% mula sa 38% noong 2010 bilang bahagi ng kanilang pangako sa ASEAN Trade in Goods Agreement.
Ang pagbaba ng taripa ay nagdulot sa sugar import para tumaas ng sampung beses, ayon sa think tank.
Ang pagtaas ng konsumo ay nakita rin na nagbigay ng pressure sa presyo ng asukal.
“We forecast consumption to continue to rise steadily over the coming years… The local food processing and beverage sectors have been increasingly switching from high-fructose corn syrup (HFCS) to sugar owing to a recently-imposed tax on drink sweeteners being lower for sugar than for sugar-alternatives,” sabi ng Fitch Solutions.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), ng bansa, may 95% ng total production ay kinokonsumo ng domestic industries, lalong-lalo na ang beverage manufacturers.
Comments are closed.