CAMP AGUINALDO- SA kabila na ipinaabot na ng Filipinas sa Estados Unidos ang notice of termination ng Visiting Forces Agreement (VFA) ay matutuloy pa rin ang mga military exercises ng mga sundalo ng dalawang bansa, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Aniya, mayroon pang natitirang 180 days para ituloy ang scheduled US at Philippine military Exercise sa bansa.
Subalit ang problema ay nagdesisyon na ang Amerika na huwag nang ituloy ang scheduled military exercise hanggang matapos ang 180 days.
Sinabi ni Lorenzana, kapag final na ang termination susundin nila ang nakapaloob sa batas na wala nang mangyayaring military exercises sa pagitan ng US at Filipinas.
Una nang sinabi ni US State Department Assistant Secretary for Political-Military Affairs Clarke Cooper na 300 military exercises ng US at Philippines na nakapaloob sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ang maapektuhan ng termination ng kasunduan. VERLIN RUIZ/REA SARMIENTO
Comments are closed.