PHOENIX MAAGANG NAG-ROLL BACK NG PRESYO NG PETROLYO

PHOENIX

MAAGANG nag-roll back ang independent oil player na Phoenix Petroleum Philippines Inc. kahapon ng kanilang presyo ng produktong petrolyo.

Sa isang abiso, sinabi ng Phoenix Petroleum na magbabawas sila ng pres­yo ng gasolina ng P1.40 bawat litro at ng diesel ng P1.00 bawat litro.

Nagsimula ang adjustments  kahapon, Hunyo 1, ng alas-6 ng hapon.

Ang rollback sa pres­yo ng petrolyo ay para “kayanin ng mga moto­rista ang mahaba-habang panahon na makakuha ng mas murang krudo,” ayon sa Phoenix.

Ang adjustments sa presyo ng produkto ng petrolyo ay dating ipinatutupad tuwing Martes.

Comments are closed.