Laro ngayon:
(Davao del Sur Coliseum)
5 p.m. – Barangay Ginebra vs Blackwater
NAPANATILI ng Phoenix ang walang dungis na marka makaraang malusutan ang NLEX, 83-82, sa PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.
Tulad sa naunang apat na laro ay hindi naging madali ang panalo ng Fuel Masters kung saan kinailangan ang mahigpit na depensa ni Calvin Abueva na tinapalan ang tres ni Pedrito Galanza sa dying 2.3 seconds upang kunin ang ika-5 sunod na panalo at mapatatag ang kapit sa liderato.
Tumawag ng timeout si NLEX coach Yeng Guiao para ikasa ang final game plan at ipalasap sa Phoenix ang unang talo subalit ang kanyang instruc-tion sa kanyang mga bataan ay nag-backfire at sinupalpal ni Abueva ang tira ni Galanza.
Nagbuhos si Abueva ng 13 points at 11 rebounds.
“It was a hard earned victory. NLEX gave lots of trouble the whole night. They refused to fold when the game was on the line. They were deter-mined to win to preserve the untainted record,” sabi ni coach Louie Alas.
“Nakipag-shootout kami sa NLEX sa third quarter, nakalimutan namin ang depensa. It’s good, we’re able to regroup and toughen our defense,” wika ni Alas.
Hindi pinaiskor ng Phoenix si high scoring Marion Magat sa buong laro sa solidong depensa.
“Na-neutralize namin si Magat. Isa ito sa factors sa panalo namin,” dagdag ni Alas. CLYDE MARIANO
Iskor:
PHOENIX (83) – Wright 17, Perkins 14, Abueva 13, Mendoza 8, Jazul 8, Chua 6, Mallari 6, Revilla 3, Kramer 2, Marcelo 2, Napoles 2, Dennison 2, Gamboa 0.
NLEX (82) – Quinahan 14, Galanza 12, Erram 11, Fonacier 9, Baguio 9, Lao 8, Ighalo 6, Porter 6, Paniamogan 5, Taulava 2, Tiongson 0, Magat 0, Tallo 0.
QS: 24-12, 45-44, 67-70, 83-82.
Comments are closed.