INANUNSIYO ng Phoenix Petroleum Philippines nitong Sabado ang kanilang pagpapatupad ng rollback sa presyo ng petrolyo simula Linggo.
Sa isang abiso, sinabi ng Phoenix Petroleum na magbabawas sila ng presyo kada litro ng gasolina ng P0.35 at diesel ng P0.45. Ang adjustments ay naging epektibo simula alas-6 ng umaga kahapon, May 26.
Samantala, sinabi naman ng Unioil Petroleum Philippines, na sa kanilang fuel forecast para sa Mayo 28 hanggang Hunyo 3, ang presyo ng diesel at gasolina ay inaasahang bababa ng P0.50 kada litro at P.040 kada litro ayon sa pagkakasunod.
Comments are closed.