INILATAG ni Army Chief Maj. Gen. Romeo Brawner Jr. sa 100,000-strong Philippine Army personnel nationwide ang pagbabalik ng Physical Fitness Tests (PFT) sa 2022.
Layon nito na matiyak ang physical readiness at malusog ang mga sundalo para sa operations and capabilities lalo na sa kanilang mga intelligence-driven operations.
“If we will pursue these thrusts, we will be victorious against our enemies…we will be able to hit our target to eradicate insurgency by June 2022. It’s an ambitious target but let us do our best,” pahayag ni Brawner.
Binigyang-diin nito,ang tuluyang pag-eradicate sa problema sa insurgency ay magbibigay daan upang makapokus ang Philippine Army na tumulong sa Commission on Elections para maging orderly, honest, and credible ang national elections sa May 2022.
Ipupursige rin ni Brawner ang Army Transformation Roadmap, kung saan bawat sundalo ay magkakaroon ng sariling scorecard.