TULOY sa sussunod na buwan ang ikalawang bahagi ng testing activities ng qualifying assessment (QA) para sa mga foreign medical professionals.
Ito ay makaraang aprobahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang muling pagpapatuloy ng pagsusulit.
Base sa IATF Resolution No. 62 na may petsang Agosto 12 ang bagong schedule ng examination ay gaganapin sa Setyembre 19-21 na itinakda ng Professional Regulation Commission.
“The approved examinations to be held on 19-21 September 2020 for the Physical Licensure Examination and QA shall proceed only in areas under general community quarantine and/or modified general community quarantine,” sabi sa resolusyon.
Pinaalalahanan din ang pagpapatupad ng mas mahigpit na health protocols na itatakda ng Department of Health upang makatiyak na ligtas ang mga kukuha ng pagsusulit.
Inatasan din ng IATF ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na magbigay ng tulong at kahandaan para sa ligtas at matagumpay na pagsasagawa ng pagsusulit. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.