PIA GUSTONG MAG-DARNA, PERO MALAMANG KUMUHA SA KAPUSO NETWORK

Pia Wurtzbach-3

PAREHONG tinanggihan ng mga young actress – Kathryn Bernardo, Nadine Lustre at Maja Salvador chizmax– na gawin ang Darna movie.

Pero ang former Miss Universe na si Pia Wurtzbach ay willing na mag-audition para sa Pinay heroine movie.

Aniya sa interbyu ni MJ Felipe sa ‘TV Patrol,’ kung bibigyan daw siya ng pagkakataon at nakapasa sa audition, papayag siyang mag-workshop at mag-aral ng martial arts.

But how true ang nasagap naming balita.

Sa isang Facebook Page na Pinoy History ay may nag-reveal na ang magiging next Darna ay mula sa rival network ng ABS-CBN, ang GMA-7.

Iisang aktres lang naman daw mula sa Kapuso ang puwedeng gumanap bilang Darna, at ito ay walang iba kundi Sanya Lopez.

Diumano’y nakiki­pag-negotiate na ang Star Cinema sa Kapuso network. Wala naman daw imposible kung mag-collaborate ang dalawang big net-works.

Nakarating na rin daw ang balita  kay Sanya na laging sinasabing very loyal siya sa Kapuso network at kung anuman daw ang magiging desisyon ng kanyang home studio ay kanyang susundin.

Pinasalamatan din umano ng Kapuso artist ang mga taong naniniwala sa kanya na kaya niyang bigyan ng justice ang isang iconic role.

AIKO TINAWAG NA ‘JADE’ NG KALABAN SA POLITIKA NG BOYFRIEND

AIKO MELENDEZHINDI nakapagtimpi ang aktres na si Aiko Melendez at umalma na sa diumano’y patutsada sa kanya ng kalaban sa politika umano ng kanyang boyfriend na si Mayor Jay Khonghun.

Sinabihan pa umanong ‘kabit’ ang aktres na hindi na niya na-take kaya’t pinatulan na ang netizen. Pinangalanan pa siya si ‘Jade’ ang character ni Yam Concepcion sa ‘Halik.

Ani Aiko sa kanyang social media account, pasimuno ng kalaban sa pulitika ng kanyang current boyfriend ang may gawa ng mga kung ano-anong maanghang na salita patungkol sa kanya.

Pinaliwanag din ni Aiko na hindi siya kabit ng Mayor ng Subic dahil hiwalay na raw sa asawa ang public servant nang pumasok siya sa eksena.

Ang ipinagtataka pa ng aktres, bakit daw idinadawit siya sa mga paninira, gayung hindi naman daw siya ang tumatakbo.

Matapang na nagsa­lita ni Aiko sa pamamagitan ng kanyang live video ang umano’y naninira sa kanya.

“Yung sa personal isyu na pinu-point out mo, tinatawag mo akong ako ay isang kabit. Hindi po ako kabit. Una sa lahat, pumasok po ako sa buhay ni Jay Khonghun, wala na po sila ng ex-wife niya. In fact, gusto niyo po i-check niyo po sa Olongapo, naka-file na po yung annulment nila.”

Dagdag pa ng aktres, “Hindi ko po kasalanan kung ang judicial system po natin sa Filipinas ay mabagal. That’s why I am for divorce. So how dare you call me kabit?”

Aniya pa: “Hindi mo kilala ang pagkatao ko kaya wala ka karapatan husgahan ako. At lalo di mo alam ang istorya ng pagmamahalan namen ni Jay para tawagin mo ako ng kng ano ano na pangalan Me pangalan po ako. At isa ang mapagmamalaki ko po kasi pati mga anak ko dinamay mo.

Napalaki ko maayos at mahuhusay na mga bata mga anak ko. My piece of advice, Stick to your plans for the people of Zambales and not focus on me Iam not even a candidate here Nakikita tuloy ang tunay na ugali ng tao sa ginagawa nyong pang-aapi sa amin ni @jaykhonghun.”

Comments are closed.