PIA WURTZBACH “BIGGEST COVER” NG DUBAI-BASED MAGAZINE

ILANG araw matapos na lumipad patungong Dubai si dating Miss Universe Pia Wurtzbach mula sa United Kingdom kasama ang nobyong si Jeremy Jauncey, lumabas sa isang Dubai-based luxury magazine ang beauty queen.

Lumabas si Wurtzbach sa siyam na covers ng bagong isyu ng Xpedition, kung saan siya tinaguriang “Woman of the Year” nitong Disyembre. Ibinahagi nito ang kanyang mga larawan sa Instagram, at sinabing first time na gumawa ng ganitong kalaking cover shoot.

“Took us 3 days to finish all the layouts and we shot them all around Dubai… Love all the looks that we did, too! They’re so different,” sabi nito sa kanyang posts.

Dahil sa photo shoot, inakyat ng dating beauty queen ang bundok at tiniis ang init at nag-shoot sa loob ng -6 degrees Ice Lounge sa loob ng apat na oras. KALI CHAN

Comments are closed.