PANGUNGUNAHAN nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, volleyball star Alyssa Valdez at Megastar Sharon Cuneta ang mga muse na paparada sa pagbubukas ng 44th season ng PBA sa Linggo, Enero 13, sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Kakatawanin ni Wurtzbach ang crowd favorite Barangay Ginebra, habang si Valdez ay paparada para sa NLEX. Kinuha naman ng Magnolia ang product endorser nito na si Cuneta, na naging muse din ng Crispa noong 1982 at ng Purefoods noong 1991.
Magiging muse naman ng Philippine Cup defending San Miguel si 2016 Miss International Kylie Verzosa, habang ang bida sa teleserye na ‘Halik’ na si Yam Concepcion ang muse ng Phoenix at ang Talk N’ Text ay ipaparada si Sam Pinto.
Ang iba pang muses ay sina swimmer Jasmine Alkhaldi at volleyball standout Myla Pablo (Blackwater), Aya Fernandez (NorthPort), Klea Pineda (Alaska), Kelley Day (Columbian), Anie Uson (Rain or Shine) at Eva Patalinjug (Meralco).
Comments are closed.