PICC HEALTH FACILITY PARA SA COVID-19 RECOVERING PATIENTS-PNP-ASCOTF

Cascolan

CAMP CRAME-INIHAYAG ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, commander/chairman ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) na inendorso ng Department of Health (DOH) ang ginawang health facility na Philippine International Convention Center (PICC) bilang recovering area para sa pasyente ng coronavirus.

Ayon kay Cascolan ngayong araw ay posibleng ituloy o i-confine ang dalawang gumaling na pasyente ng COVID-19 mula sa referral hospital.

Hindi naman idinetalye ng heneral kung ano ang dahilan ng DOH kung bakit sa PICC  tuluyang pagagalingin ang recoveries at posible aniya na para mabigyan ng space sa mga ospital ang iba pang pasyente.

Sa record ng PNP-ASCOTF, nagdeploy sila ng 59 medical reserve force, tatlong doktor at 56 nurse.

Magugunitang sinabi ni PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na itinatag ang PNP-ASCOTF para sa mabilis na logistic response and deployment ng police personnel sa mga checkpoint lalo na sa mga itinayong health facilities para sa COVID-19 patients.

“The PNP-ASCOTF headed by Gen. Cascolan was organized purposely to insure efficient delivery of administrative support  for optimum and efficient management, distibution and utilization of resources and supply chain to sustain ongoing operations of Joint Task Force COVID Shield with administrative support  mechanism for personnel management, logistics

finance and health management,” ayon kay Gamboa.

Bukod kay Cascolan, itinalaga rin si Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, The Chief for Directorial Staff bilang vice chairman ng ASCOTF.

Habang sa ilalim ng PNP-ASCOTF ay limang task groups na TG Personnel Support , TG Logistical Support; TG Financial Support; TG Health Management and Medical Reserve Force at TG Contact Tracing. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM