SURIGAO DEL NORTE – NAGTAMO ng sugat sa katawan ang isang lalaki makaraang mahulog sa gilid ng kalsada ang minamanehong sasakyan sa Claver.
Agad namang rumesponde ang Claver Central Fire Station EMS Personnel, na pinamumunuan ni FSInsp. Abbey P. Cuyno Jr.
Kinilala ang biktima na si Marlon Camonyalda, 29-anyos, residente ng Barangay Cagdianao, Claver, Surigao del Norte.
Si Camonyalda ay nasugatan sa kanang bahagi ng ulo at nagtamo umano ng bali sa kaliwang braso.
Binigyan kaagad ng agarang treatment at ligtas na inihatid ang biktima sa Surigao del Norte Provincial Hospital para sa karagdagang medikal na pagsusuri at pamamahala.
EUNICE CELARIO